Home NATIONWIDE Pagbabalik ng tiwala ng taumbayan sa Senado, nakadepende sa aksyon ng institusyon,...

Pagbabalik ng tiwala ng taumbayan sa Senado, nakadepende sa aksyon ng institusyon, wala sa kamay ng Malakanyang – Usec. Castro

24
0

MANILA, Philippines – Naka-depende sa magiging aksyon ng Senado para maibalik ng taumbayan ang tiwala nito sa nasabing institusyon.

Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na hindi sakop ng Pangulo ang anumang hakbang para maibalik at mapanatiling muli ang tiwala n taumbayan sa Senado matapos ang nangyaring gulo sa Senado noong Mayo 13, 2026.

“Hindi po sakop ng Pangulo kung mabibigyan, mapapanatili ang tiwala sa senado. Ang mga tao po sa senado ang siyang dapat na umaksyon, para maibalik ang tiwala ng taumbayan kung mayroon man kuwestyon sa pagtitiwala sa kanila,” ani Castro.

Sinabi ni Castro na ang Senado naman talaga ang may isyu na dapat lamang na plantsahin sa hanay ng mga senador.

“Sa Pangulo po kung sinuman po ang leader po diyan basta po ang gagawing trabaho ay para sa bayan at sa taumbayan hindi po mag-aatubili ang Pangulo na makipag-ugnayan sa kanila.

So, hindi po sa Pangulo ang may problema or may issue,” ayon kay Castro.

Sa kabilang dako, humingi naman ng paumanhin si Castro nang tanungin ukol sa iskedul ng susunod na LEDAC meeting at kung kumpiyansa ang Malakanyang na maipapasa ang 21 priority bills sa Hunyo na target ni Pangulong Marcos matapos ang gulo sa Senado.

“Sa Pangulo po ay wala po tayong issue. Wala po tayong issue dahil kung anong nais ng Pangulo para sa taumbayan iyan po ang nais niyang mangyari. Pero hindi po natin masasagot kung hanggang saan ang kakayahan ng Senado sa ngayon,” ani Castro. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here