MANILA, Philippines – Pinasalamatan ng ilang lider ng Senado sa pangunguna ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang Indonesia sa pagbibigay ng kapatawaran kay Mary Jane Veloso na nakatakda nang mabalik ng Pilipinas matapos ng halos isang dekadang pagkakakulong.
Sa pahayag, kinumpirma ni Escudero na nakatakda nang umuwi si Mary Jane Velozo kaya’t nagpahatid ang lider ng Senado ng “taus-pusong pasasalamat” sa lider ng Indonesian government.
Nagpapasalamat din si Escudero sa lahat ng opisyal at kawani ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang patid ang pakikipag-ugnayan at pakikipag-negosasyon sa gobyerno ng Indonesia upang mailigtas sa hatol na kamatayan si Mary Jane at maiuwi siya sa Pilipinas.
“We owe our immense gratitude to President Prabowo Subianto and to the entire Indonesian government for its compassion. Mary Jane has spent over a third of her life in prison and every day of those 14 years not knowing if it will be her last. We look forward to welcoming Mary Jane back to the Philippines,” ayon kay Escudero.
Nanawagan din si Escudero sa awtoridad na tiyakin ang kaligtasan ni Mary Jane pagdating ng Pilipinas at makipag-ugnayan sa pamilya nito at ibsan ang anumang pangamba sa kanyang paglilipat sa bansa.
Kasabay nito, pinapurihan naman ni Senador Grace Poe ang ahensiya ng bansa at gobyerno ng Indonesia sa kanilang ginawa upang makalaya at makabalik ng bansa ang naturang OFW.
“The welfare of our OFWs is a matter of great importance, it is incumbent upon concerned government agencies to safeguard our migrant workers and guarantee their rights,” ayon kay Poe.
Sa Senado, ayon pa kay Poe, naglaan ng sapat na pondo sa AKSYON fund na magbibigay ng legal, medical, at financial assistance sa OFWs.
“We will also ensure funds for the National Reintegration Center and OFW helpdesks,” ayon kay Poe.
Bukod dito ang pondo sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagbabalik ng undocumented OFWs sa abroad na makakuha ng counseling sa pamamagitan ng livelihood training.
“We must see to it that no Filipino migrant worker falls victim to yet another death sentence,” ayon kay Poe.
Para naman kay Senador Joel Villanueva na kailangan ipagpatuloy ang hindi matatawarang pangako sa pagbibigay ng prayoridad at proteksiyon sa kagalingan ng ating OFWs.
“We also call on the government, particularly the Department of Foreign Affairs (DFA) and the Department of Migrant Workers (DMW), to continue their diligent efforts and diplomatic initiatives in safeguarding the rights and well-being of our kababayans abroad, especially those currently on death row. According to the DMW, there are 44 OFWs presently in this dire situation,” ayon kay Villanueva.
“The Senate has just completed deliberations on the proposed 2025 budget, and as the sponsor of the DMW’s budget, we allocated PHP 1.3 billion for the Agarang Kalinga at Saklolo para sa mga OFW na Nangangailangan (AKSYON) Fund to provide any necessary assistance needed by our OFWs,” giit pa ng senador. Ernie Reyes