Home NATIONWIDE Pagbabawal sa ‘mukbang’ sinisilip ng DOH

Pagbabawal sa ‘mukbang’ sinisilip ng DOH

MANILA, Philippines- Binalaan ni Health Secretary Ted Herbosa ang publiko na ang labis na pagkain ay masamang gawi na maaaring humantong sa mga sakit.

Ito ang inihayag ni Herbosa sa pagkamatay ng isang indibidwal matapos mag-“mukbang.”

Ang mukbang ay ang pagkain nang labis habang nagsasalita sa kanyang audience tuwing naka-livestream o video.

“I know it’s a bad practice because people make content by overeating, and overeating is not healthy. It will lead to obesity, and obesity will need to hypertension, heart condition, non-communicable diseases, and even heart attacks,” sabi ni Herbosa.

Ayon kay Herbosa, kapag nasobrahan sa pagkain ay mauuwi sa obesity.

Inihayag ni Herbosa na susuriin ng DOH ang naiulat na pagkamatay at maglalabas ng public health warning at pag-aaralan kung ang overeating o labis na pagkain tulad ng “mukbang” sy kailangang ipagbawal.

“We have to study it first why this person died, and find out if we, the Department of Health–which is a regulator for health activities–can ban such activities [because] they are unhealthy,” wika ni Herbosa.

Sinabi pa ni Herbosa na maglalabas ito ng local administrative order kung maaring ipagbawal ang overeating.

“I’ll ask my team to investigate this, maybe make sure that our Health Promotion Bureau addresses the problem of mukbang and deaths caused by mukbang and overeating,” dagdag pa ni Herbosa. Jocelyn Tabangcura-Domenden