MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Commission on Elections (Comelec) na naipamahagi na ang honoraria para sa mga nagsilbi noong Mayo 12 midterm elections ay naipamahagi na hanggang Mayo 23.
Ayon kay Comelec Chair George Garcia, inaasahang makukumpleto ang bayad sa buong bansa sa Biyernes.
Hindi pa kasama rito ang karagdagang PHP1,000 na inaprubahan pagkatapos ng eleksyon.
Ayon sa Election Service Reform Act, dapat maibigay ang honoraria sa loob ng 15 araw matapos ang halalan.
Higit 750,000 ang nagsilbi bilang poll workers, kung saan ang chairperson ay tumanggap ng PHP12,000 at ang mga miyembro ay PHP11,000. RNT