MANILA, Philippines – Pinabulaanan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pahayag ng China Coast Guard na sila ay nag-supervise sa resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal noong Mayo 16.
Ayon sa AFP, ang naturang operasyon ay legal, regular, at isinagawa sa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas, alinsunod sa international law.
“The AFP firmly upholds our country’s sovereign rights in the WPS and reiterates that our resupply missions to BRP Sierra Madre in Ayungin Shoal are lawful, routine and conducted within our exclusive economic zone in accordance with international law, specifically UNCLOS (United Nations Convention on the Law of the Sea),” ayon sa pahayag.
Giit ng AFP, hindi kailanman kailangan ang pahintulot ng ibang bansa sa mga ganitong operasyon.
Tinawag nilang mapanlinlang ang pahayag ng Tsina at hinikayat ang publiko at pandaigdigang komunidad na maging mapagmatyag laban sa disinformation na banta sa kapayapaan sa rehiyon. RNT