MANILA, Philippines – Palalakasin ng Sugar Regulatory Administration (SRA) at Department of Agriculture (DA) ang mga hakbang laban sa pagkalat ng red-striped soft-scale insect (RSSI) sa Negros Occidental.
Apektado na ang humigit-kumulang 87 ektarya ng tubuhan.
Kabilang sa mga hakbang ang pamamahagi ng pesticide, mahigpit na quarantine, at pagdi-disinfect ng mga tubong ililipat.
Nakikipag-ugnayan din ang SRA para makakuha ng emergency use permit para sa mga epektibong insecticide.
Ang RSSI, na unang naitala sa Pampanga noong 2023, ay maaaring magpababa ng sugar content ng hanggang 50%. RNT