MANILA, Philippines – Aabot sa 45°C ang heat index sa Laoag City (Ilocos Norte), Dagupan City (Pangasinan), at Aparri (Cagayan) ngayong Sabado, Mayo 24, 2025 — nasa danger level na posibleng magdulot ng heat cramps, exhaustion, at heat stroke sa patuloy na pagkaka-expose.
15 pang lugar ang nasa danger level din:
44°C: Tuguegarao City (Cagayan), Cubi Pt. Subic Bay (Olongapo City)
42°C: Bacnotan (La Union), Calayan (Cagayan), Iba (Zambales), Hacienda Luisita (Tarlac City), San Jose (Occ. Mindoro), Masbate City (Masbate)
Sa Metro Manila, aabot sa 40°C ang heat index sa NAIA, Pasay City at Science Garden, Quezon City.
Ang heat index ay ang nararamdamang init ng katawan, at hindi ang aktwal na temperatura. Maaaring makaranas ng heat cramps, exhaustion, at posibleng heat stroke. RNT