Home NATIONWIDE 15,000 delegado dadalo sa Palarong Pambansa sa Ilocos Norte

15,000 delegado dadalo sa Palarong Pambansa sa Ilocos Norte

148
0

MANILA, Philippines – Naghahanda na ang Ilocos Norte para sa mahigit 15,000 delegado sa ika-65 Palarong Pambansa mula Mayo 24 hanggang 31, 2025.

Lalahok ang 20 athletic associations kabilang ang representante ng 18 rehiyon, National Academy of Sports (NAS), at Philippine Schools Overseas (PSO).

May temang “Nagkakaisang Kapuluan,” layunin ng palaro ang pagkakaisa sa pamamagitan ng isports at eco-friendly na karanasan para sa mga atleta.

Tampok ang iba’t ibang laro gaya ng basketball, athletics, at taekwondo, pati na ang mga bagong sports tulad ng weightlifting at futsal para sa kababaihan.

May libreng cultural tours din sa buong lalawigan mula Mayo 28–30. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here