Home HOME BANNER STORY Pagbaha, pag-guho ng lupa inaasahan sa 8K barangay sa hagupit ni Uwan...

Pagbaha, pag-guho ng lupa inaasahan sa 8K barangay sa hagupit ni Uwan – MGB

318
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Mines and Geosciences Bureau (MGB) nitong Biyernes sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa sa 8,164 na barangay sa iba’t ibang rehiyon dahil sa banta ng paparating na Super Typhoon Uwan.

“Base po sa latest data na nakuha po namin sa PAGASA ay nagkaroon po kami ng listahan ng maaaring maapektuhan po ng landslide at saka flood mula between November 7 up to November 10,” ayon kay MGB Lands Geological Survey Division chief Dr. Karlo L. Queaño.

“So base po sa aming datos, there are about 8,164 number of barangays that may be affected by rain-induced landslides and floods,” dagdag niya.

Sa kanilang geohazard advisory para kay Uwan, binalaan ng MGB ang mga kinauukulang barangay na manatiling alerto sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.

“Maging alerto sa mga pagtaas o pagbaba ng flood levels, at bantayan ang mga lugar na malapit sa mga ilog, slopes o dalisdis, at drainage canals,” ayon sa MGB.

“I-report ang kung anumang senyales ng paggalaw ng lupa, pagtaas ng tubig, o maputik na tubig. Ipaalam sa mga barangay officials kung makapansin ng mga crack o bitak sa mga pader o nakatagilid na mga sahig at poste sa mga sloping areas,” dagdag nito.

Binalaan din ni Queaño ang mga residente sa mga lugar na tinamaan ng Bagyong Tino sa mga panganib na ito kung isasaalang-alang na ang kanilang mga lugar ay maaaring oversaturated dahil sa mga pag-ulan sa mga nakaraang araw.

“Ito po ay Ang Maasin, Southern Leyte; Tayabas, Alabat, and Infanta, Quezon; Juban, Sorsogon; Mactan, Cebu; Rojas City, Capiz; Puerto Princesa and Cuyo in Palawan; as well as that of Surigao City in Surigao del Norte,” aniya.

“Ang ating mga kababayan ay hindi dapat basta-basta lumilipat o bumabalik sa kanilang tinitirhan, lalo na sa mga nag-evacuate po, dahil hanggat meron tayong oversaturation ng mga ground, there’s still a possibility na magkaroon ng landslides sa kanilang lugar,” dagdag niya. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here