Home HOME BANNER STORY DILG: Walang Interpol red notice vs dela Rosa

DILG: Walang Interpol red notice vs dela Rosa

297
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla nitong Sabado na walang natanggap na anumang red notice ng Interpol ang gobyerno laban kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.

Ang pahayag ay matapos sabihin ng kapatid ni Remulla na si Ombudsman Jesus Crispin Remulla sa dzRH radio na naglabas ng warrant of arrest ang International Criminal Court (ICC) laban sa dating hepe ng Philippine National Police.

Pinangunahan ni Dela Rosa ang kontrobersyal na war on drugs ng administrasyong Duterte.

Ang red notice ay isang kahilingan na ipinakalat ng Interpol upang mahanap at pansamantalang arestuhin ang isang tao habang nakabinbin ang extradition o iba pang legal na paglilitis.

Ang DILG, na nangangasiwa sa Philippine Center on Transnational Crime, ay nagsisilbing coordination point ng bansa sa Interpol. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here