MANILA, Philippines – Nagbigay-galang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Philippine Marines (PM) na nagdiwang ng kanilang ika-75 taong anibersaryo, araw ng Biyernes, Nobyembre 7.
“We gather here today to celebrate 75 years of valor, devotion, and the unyielding spirit of service that define the Philippine Marine Corps,” ayon sa Pangulo sa kanyang talumpati sa 75th Marine Birthday Celebrations na idinaos sa Gallio Events Hall sa Paranaque.
“From a small volunteer contingent to today’s modern archipelagic coastal defense force, you have built a legacy of duty and conviction,” dagdag na wika nito.
“Through countless dawns and dusks, you have stood guard over our shores and our lands—defending, responding, and rebuilding when duty calls,” aniya pa rin.
“Marines with wet and sandy boots lifting a child to safety, carrying relief supplies, restoring hope where it is needed most,” ang sinabi ng Pangulo sabay sabing “These are the scenes that remind us of how courage and compassion can move us in the service of our people.”
Sa kabilang dako, pinuri naman ng Pangulo ang mabilis na pagkilos ng mga Marine sa disaster response operations sa Palawan kasunod ng kamakailan lamang na pananalasa ng Bagyong Tino.
Nauna rito, nagdeklara ang Pangulo ng state of national calamity, pagtitiyak na ang lahat ng government resources ay gagamitin para sa agarang relief and recovery ng mga mamamayan at bansa.
Sinabi pa rin niya na nanawagan na ang gobyerno na maghanda, sa pagkakataong ito ay para sa nalalapit na panibagong bagyo (Uwan), sinasabing mas malakas kaysa sa bagyong Tino.
“Thus, we will once again rely on your readiness, your discipline, and your heart for service as we brace for the upcoming weather and the typhoons,” ani Pangulong Marcos.
Samantala, hinikayat naman ni Pangulong Marcos ang mga Marine na patuloy na tulungan ang bansa sa pag-secure sa baybayin, protektahan ang mga tao at muling itayo ang mga komunidad.
“Magtulungan tayo na masiguro na ang buong lakas ng gobyerno ay kumikilos nang mabilis. Tiyakin din natin ang agarang pagtugon at maagap na paghahanda,” ang winika ng Pangulo. (KRIS JOSE)