
MANILA, Philippines- “Reclamation pa more.”
Ganito ang matinding sentimyento ng ilang senador sa patuloy na pagbaha sa Kamaynilaan partikular sa compound ng Senado sa Pasay City sanhi ng kaliwa’t kanang reclamation sa Manila Bay.
Sa magkakahiwalay na text messages sa media, sinabi ni dating Senate President Juan Miguel Zubiri na reclamation ang ugat ng pagbaha sa Diokno Boulevard malapit sa Senado.
Video mula kay Cesar Morales
“This, I believe, is the consequence of all the reclamation happening in Manila Bay, wala ng malabasan na flood water dito sa Pasay at Manila,” aniya.
“Babaha at babaha na palagi diyan sa atin tuwing uulan nang malakas,” paliwanag pa ng senador.
Isinisisi din ni dating Majority Leader Joel Villanueva sa ilang reclamation project sa Manila Bay ang sanhi ng malawakang pagbaha sa Bulacan.
“Reclamation pa more!” ayon sa senador sa kanyang text messages sa reporters.
“Imagine, for the past two years — including this year — we have this P1-billion a day flood control budget for [the] Department of Public Works and Highways alone — P1B a day. Please tell me if anyone here can see at least an improvement sa mga baha (in addressing floods),” paliwanag niya.
Base sa datos ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, sinabi ni Villanueva na palaging binabaha ang mga sumusunod na bayan sa lalawigan ng Bulacan:
Calumpit
Hagonoy
Guiguinto
Balagtas
Obando
Bocaue
Malolos
Paombong
Marilao