Home NATIONWIDE Pagbalik ng public funds posible sa oras na maconvict si VP Sara-...

Pagbalik ng public funds posible sa oras na maconvict si VP Sara- Rep Chua

MANILA, Philippines – Bagamat limitado sa “removal from office” disqualification ang maaaring ipataw ng impeachment court kay Vice President Sara Duterte, maaari pa rin itong habulin na maibalik ang public funds, ayon kay Manila Rep Joel Chua.

“while the impeachment court’s authority is limited to these two penalties, a conviction would open the door for criminal and administrative cases to be filed against Duterte in other venues,” paliwanag ni Chua na miyembro ng House Prosecution team.

“Ang sentensya po kasi sa impeachment complaint dalawa lang. Number one, removal at number two disqualification to hold public office. Now, yan pong order na yan ay pupuwede po yan sa ibang venue, sa korte po. Pagka once na convict na po siya sa impeachment, pupuwede naman pong kasuhan sa Ombudsman ang ating vice president dito po sa mga kasong ito,” dagdag pa ni Chua.

Sinabi ni Chua na may matibay na ebidensya ang prosekusyon laban kay VP Sara kabilang ang mga documentary evidence.

“Solid ‘yung evidence natin. In fact, mayroon na rin tayong mga documentary evidence like ‘yung PSA report, so lahat naman ‘yan ay intact,” ani Chua.

Para kay Chua dapat nang simulan ang impeachment trial sa katwirang ang mahabang paghihintay ay maaaring makaapekto din sa mga testigo sa kaso.

“May psychological toll sa prolonged proceedings lalong lalo na sa mga witness namin, siyempre habang tumatagal, lalong humahaba yung anxiety, ‘yung fear,” ani Chua.

“Kaya kami, hangga’t maaari, mas maganda masimulan na, nang sa ganun matapos na rin ‘yung anxiety, at ‘yung fear at uncertainty ng mga testigo namin,” pagtatapos pa nito. Gail Mendoza