MANILA, Philippines – DAHIL sa pinaigting na border control measures laban sa illicit cash smuggling ng Bureau of Customs (BOC), tinanggal ang Pilipinas sa Financial Action Task Force (FATF) Grey List.
Ayon sa BOC, ang pinaigting na pagsugpo nito laban sa smuggling, deployment ng cash-sniffing dogs, upgraded baggage scanning systems at pinalawak na capacity-building para sa customs personnel ay nagresulta sa 455-fold na pagtaas sa currency declarations gayundin sa 194 na cash seizure noong 2024 lamang.
Kung matatandaan, hindi na kabilang ang Pilipinas sa mga bansang nasa ilalim ng pagbabantay ng isang international body para sa money laundering at countering financing of terrorism (AML/CFT).
Sa isang pahayag, inihayag ng Financial Action Task Force (FATF) na nakabase sa Paris na ang Pilipinas ay wala na sa increased monitoring.
Nabatid na kapag inilagay ng FATF ang isang bansa sa ilalim ng “grey list” o mas mataas na pagsubaybay, nangangahulugan ito na ang isang bansa ay nakatuon sa pagresolba sa mga natukoy na kakulangan sa loob ng napagkasunduang panahon at napapailalim sa mas mataas na monitoring.
Sinabi ng BOC na ang deployment ng mga cash-sniffing dogs sa mga pangunahing daungan at ang pag-install ng mga advanced na baggage scanning equipment ay nagpabuti sa pagtuklas ng hindi idineklara at kahina-hinalang laki ng halaga ng pera.
Dagdag pa ng BOC, pinaigting nila ang inisyatiba sa pagbuo ng kapasidad, pagsasanay sa mga tauhan ng customs sa mga protocol ng AML/CTF at pagpapahusay ng pagbabahagi ng paniktik sa Department of Information and Communications Technology, Philippine Coast Guard, Office of Transportation Security, Department of Justice, at Anti-Money Laundering Council.
Ang mga pagsusumikap na ito ay nagresulta sa isang hindi pa naganap na pagtaas sa mga aksyon sa pagpapatupad, na ang bilang ng mga pag-agaw ng pera noong 2024 ay lumampas sa kabuuang naitala noong nakaraang dekada.
”The Philippines’ removal from the FATF Grey List shows that the government is committed to ensuring financial integrity and global security. With the BOC protecting our borders, the country is better positioned to sustain these gains and further strengthen its anti-money laundering and counter-terrorism financing efforts in the years ahead,” saad ng BOC. JR Reyes