IKINABAHALA ng ilang opisyal ng pamahalaan ang umano’y pagbanggit ng dating hepe ng Bureau of Immigration (BI) Board of Special Inquiry Chairman sa opisina ng Unang Ginang Liza Araneta-Marcos, sa isang liham na ipinadala niya kay BI Commissioner Joel Viado, at lumabas sa media.
Sa nasabing liham, inireklamo ni BI Board of Special Inquiry Chairman Gilberto Repizo kay Viado na sinisiraan umano siya sa opisina ng Unang Ginang.
Para naman sa ilang opisyal, hindi tama na isama ang pangalan ng tanggapan ng First Lady sa panloob na sigalot sa ahensya.
“Hindi dapat ginagamit ang pangalan ng opisina ng Unang Ginang sa ganitong bangayan. Wala siyang kinalaman sa operasyon ng Bureau of Immigration,” ayon sa mga ito.
Kimuwestyon din ang sa pagbabanggit ng opisina ng Unang Ginang.
Panawagan ngayon ng mga opisyal kay Repizo na huwag nang banggitin ang opisina ng Unang Ginang sa mga personal na isyu at harapin na lamang ang imbestigasyong ipinatawag ng Senado sa pangunguna ni Senador Win Gatchalian. RNT