Home NATIONWIDE Ilang lugar sa Bukidnon, Davao binaha sa tuloy-tuloy na ulanNATIONWIDETOP STORIES Ilang lugar sa Bukidnon, Davao binaha sa tuloy-tuloy na ulanJune 30, 2025 08:26 FacebookTwitterPinterestWhatsApp MANILA, Philippines – Binaha ang ilang lugar sa Bukidnon at Davao Region nitong weekend dahil sa malalakas at tuloy-tuloy na pag-ulan dala ng Habagat.Kabilang sa mga nalubog sa hanggang bewang na baha ay ang residential area sa Davao del Sur.Umapaw naman ang ilog sa Barangay Tacul, Magsaysay, Davao del Sur at naapektuhan ang mga kalapit na bahay dito.Samantala, na-trap naman sa kanilang mga tirahan ang ilang residente ng Purok Bankerohan at Purok Kawayan na nailikas naman ng mga awtoridad.Nakapagtala rin ng pagbaha sa Bukidnon, partikular sa Talaingod Bukidnon national highway.Hindi na rin madaanan ang kalsada sa Sitio Saladoc sa Don Marcelino, Davao Occidental dahil sa mga debris dala ng pag-ulan. RNT/JGC