Home HOME BANNER STORY Pagbasura sa graft conviction in Imelda, kinondena sa EDSA rally

Pagbasura sa graft conviction in Imelda, kinondena sa EDSA rally

1
0

MANILA, Philippines — Nagsagawa ng kilos-protesta ang August Twenty One Movement (ATOM) sa EDSA Shrine nitong Lunes, Setyembre 21, kasabay ng ika-54 anibersaryo ng deklarasyon ng martial law.

Kinondena rin ng grupo ang desisyon ng Korte Suprema na baligtarin ang 2018 conviction ng Sandiganbayan laban kay dating first lady Imelda Marcos sa pitong kaso ng graft.

Bago ang pagtitipon sa EDSA Shrine, nagsagawa muna ang ATOM ng motorcade mula sa Times Street residence nina dating Pangulong Corazon Aquino at dating senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr.

Huminto rin ang grupo sa harap ng Supreme Court sa Maynila kung saan iwinagayway ng ilang miyembro ang kanilang mga dilaw na bandila bilang bahagi ng protesta.

Sa pahayag, iginiit ng ATOM na hindi umano nabura ng desisyon ng SC ang hiwalay na mga usapin tungkol sa ill-gotten wealth at kinuwestiyon nito ang epekto ng mga naging desisyon sa mga kasong may kaugnayan sa pamilya Marcos.

Ayon naman sa desisyon ng Supreme Court First Division noong Hunyo 10, 2026, nabigo ang prosekusyon na mapatunayan ang pagkakasala ni Marcos beyond reasonable doubt. Kabilang sa mga isyung tinukoy sa kaso ang admissibility at probative value ng ilang dokumento at kung maituturing na “businesses” sa ilalim ng batas ang mga Swiss foundations na sangkot sa kaso.

Ang desisyon ay nagbaligtad sa hatol ng Sandiganbayan noong 2018 na nagdeklara kay Marcos na guilty sa pitong bilang ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Idineklara ang martial law noong Setyembre 21, 1972 at inanunsyo ito sa publiko makalipas ang dalawang araw, noong Setyembre 23. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here