Home NATIONWIDE Pagbebenta ng NFA rice sa mga LGU exempted sa election spending ban

Pagbebenta ng NFA rice sa mga LGU exempted sa election spending ban

MANILA, Philippines- Inaprubahan ng Commission on Elections (Comelec) ang hiling n Department of Agriculture (DA) na hayaan ang pagbebenta ng bigas ng National Food Authority (NFA) sa local government units (LGUs) mula sa spending ban para sa May 2025 midterm elections.

Sa isang memorandum na nilagdaan ni Comelec Chair George Erwin Garcia at inilabas sa mga mamamahayag noong Linggo, sinabi ng law department ng poll body na ang pagbebenta ng bigas ng NFA sa mga LGU ay hindi nasa ilalim ng mga paghihigpit sa paggastos na nakabalangkas sa Section 261 (v) ng Omnibus Election Code.

Ipinagbabawal ng probisyon ang pamamahagi ng mga pampublikong pondo para social welfare at services projects sa panahon ng election period.

Gayunman, nilinaw ng Comelec na ang naturang proyekto ay binibigyang kahulugan bilang mga hakbangin ng gobyerno na naglalayong tulungan ang mga disadvantaged o vulnerable na sektor ng lipunan.

Paliwanag ng Comelec, bagama’t hindi nililimitahan ang pagbebenta ng bigas, ang mga LGU ay maaaring sumailalim sa pagbabawal kung gagamit sila ng pampublikong pondo sa pagbili ng bigas sa loob ng 45 araw bago ang araw ng halalan, maaaring ipamahagi ito bilang tulong sa mga mahihinang sektor o ibenta ito sa subsidized rate.

Sa ganitong mga kaso, ang transaksyon ay ituturing na social welfare expenditure, na karaniwang ipinagbabawal maliban kung exempted sa ilalim ng Comelec Resolution No. 11060, dagdag ng poll body.

Pinaalalahanan din ng Comelec ang NFA at LGU na sa ilalim ng Section 261 (v), ipinagbabawal ang pag-isyu o paggamit ng treasury warrant at mga katulad na instrumento sa pananalapi para sa mga pagbabayad sa hinaharap gamit ang pampublikong pondo.

Nauna nang nagbigay ang Comelec ng exemption sa 28 mga programa ng Department of Social Welfare and Development (DWSD) mula sa spending ban ng 2025 midterm elections, basta’t sumunod sila sa tatlong karagdagang kondisyon para sa mahigpit na pagsunod kabilang rito ang Ayuda sa Kapos ang Kita Program, at Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS.

Binigyang-diin ni Garcia na dapat istriktong sumunod ang DSWD sa tatlong probisyon na nakasaad sa memorandum:

  • Walang mga kandidato o pOlitiko sa panahon ng pamamahagi ng ayuda sa anumang anyo.

  • Ibigay sa Comelec ang guidelines na ginawa ng DSWD sa mga pampublikong anunsyo nito.

  • Tapat na pagsunod sa mga alituntuning ito ng DSWD at ng mga tauhan at katuwang nito. Jocelyn Tabangcura-Domenden