Home NATIONWIDE Pagbibigay ng travel permit sa mga menor de edad, mas hihigpitan ng...

Pagbibigay ng travel permit sa mga menor de edad, mas hihigpitan ng DSWD

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Social Welfare and Development na magpapatupad ito ng mas mahigpit na panuntunan sa pagbibigay ng travel permits sa mga menor de edad na bibiyahe abroad.

Sa pahayag nitong Sabado, Marso 15, layon ng
Minors Traveling Abroad (MTA) system na pigilan ang child trafficking at iba pang krimen laban sa mga bata sa paglilimita sa authorized individuals at mahigpit na pagpapatupad ng proseso ng aplikasyon.

Kabilang sa proseso ay ang home visitations na isasagawa ng local social welfare and development officers kung kinakailangan.

“This time, mas strict po kami sa paggawa ng account [sa system]. (This time, we are stricter with creating accounts [within the system]) We only allow three persons to create an account—parents, legal guardians, and travel companions,” pahayag ni Assistant Secretary Ada Colico ng DSWD Protective Programs.

“Pangalawa, sinisigurado po namin na present ang parents, legal guardians, travel companion, at yung bata sa video conferencing. Before kasi, children or minors don’t need to appear sa physical na transaction. Dati parents lang o yung may SPA lang, pwede na mag-apply,” dagdag ni Colico.

“We have measures naman po kasi if we see na may inconsistencies sa data, may red flag, we make sure that we validate it further. Ang ginagawa po namin dyan, we are referring to our LSWDO and we have them visited talaga sila sa bahay… Hindi po kami basta-basta nag-a-approve especially may nakita po kaming mga red flag or concern na dapat pa naming i-investigate,” sinabi pa ng opisyal.

Hanggang nitong Sabado, nasa 2,000 aplikasyon ang ipinoproseso ng online MTA system na may walong disapproval dahil sa inconsistency. RNT/JGC