Home NATIONWIDE Pagbibitiw ni Rep. Oducado, walang kinalaman sa impeachment

Pagbibitiw ni Rep. Oducado, walang kinalaman sa impeachment

61
0

MANILA, Philippines – Walang kinalaman sa nagdaang botohan sa impeachment ang pagbibitiw ni 1-Tahanan Partylist Rep. Nathaniel Oducado sa Malaking Kapulungan ng Kongreso.

“I have to take care of myself and my family. At kailangan ko pong magpahinga;”

Sa panayam ngayong hapon, sinabi ni Oducado na meron siyang karamdaman kung kaya bumitaw na siya bilang mambabatas at kasalukuyan na umanong nasa deliberasyon ng partido kung sino ang maaaring ipalit sa kaniya.

Naunang napaulat na ang botong Yes ni Oducado ang dahilan ng pressure na tinanggap nito matapos ang botohan sa impeachment at posible umanong nakatanggap ito ng pondo.

“To be honest Wala akong natatanggap.  I was absent yesterday when it was announced. So as to the rumors that we received P20 Million cash ay wala po ako kahapon. i was at the Senate to observe the impeachment proceedings.”

Kahapon ay inalis na ang pangalan ni Oducado sa rooster ng Kamara matapos ito g maghain ng pormal na pagbibitiw .

Hindi pa batid kung sino ang papalit kay Oducado matapos mapabalita rin na magbibitiw  ang ikakawa at ikatlong nominee at ang papalit ay ang ika-apat ba nominee na siya ring chairman ng Partylist.

Pinabulaanan din ni Oducado na siya ay na-pressure na siyang nagtulak ng kaniyang pagbibitiw. (Meliza Maluntag)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here