Home ENTERTAINMENT Pagbili ni Mavy ng sports car, pinagtatalunan sa socmed!

Pagbili ni Mavy ng sports car, pinagtatalunan sa socmed!

268
0

Manila, Philippines – Nakadalawang pundar na ng mamahaling sasakyan si Mavy Legaspi.

Si Mavy ay ang kambal ni Cassy na mga anak nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi.

Nauna nang bumili ang binatang aktor ng Mercedes Benz noong 2021.

Sixteen years old pa lang daw siya noon.

Hulaan n’yo kung anong dahilan kung bakit pinilit ni Mavy na makapundar ng unang kotse.

Aniya, paraan daw niya ‘yon para magrebelde sa kanyang ina.

Ayaw na ayaw daw kasi ni Carmina na mag-drive ang anak for safety reasons nga naman.

In three years’ time, eto’t bumili na naman ng luxury car si Mavy.

Itinuturing daw niyang katuparan ng kanyang pangarap ang BMW 3 series sports car.

Inulan naman ng congratulatory messages ang post ni Mavy.

Isa na rito’y mula sa kanyang Ninang Aiko Melendez.

Deserve daw ni Mavy ang iniregalo niya sa kanyang sarili dahil mabait siyang bata.

Tanong tuloy ng mga naguguluhang netizens: paano raw maituturing na mabait si Mavy kung meron itong rebellious streak sa ina?

Hindi raw kaya ang pagbili niya ng bagong sasakyan ay paraan na naman niya ng pagrerebelde?

Kinorek naman ‘yon ng ibang netizens sa pagsasabing kitang-kita naman ang resultang magandang pagpapalaki ng mga magulang sa kanilang twins. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here