MANILA, Philippines- Labis na ikinatuwa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbisita ni Ukrainian President Volodomyr Zelenskyy sa Pilipinas para pag-usapan ang mga isyu na parehong kinahaharap ng dalawang bansa.
Mainit na tinanggap ni Pangulong Marcos si Zelenskyy sa Palasyo ng Malakanyang kaninang umaga, araw ng Lunes, Hunyo 3 kung saan magkakaroon ang mga ito ng bilateral meeting.
Ayon sa Pangulo, masaya siya na makita ang kanyang Ukrainian counterpart lalo pa’t wala silang pagkakataon na magkita at magkapulong sa sidelines ng 2024 IISS Shangri-La Dialogue sa Singapore.
Gayunman, umaasa naman ang Pangulo na ang kanilang magiging pagpupulong ngayon ay mas magdudulot ng ”better circumstances” sa gitna ng hindi matapos na giyera na kinahaharap ng Ukraine laban sa Russia.
”We are very happy to welcome you, President Zelenskyy, to the Philippines and I’m very happy that despite what I know is a very tight travel schedule for both of us… We were unable to find time when we were in Singapore,” ayon kay Pangulong Marcos.
”But I’m happy that we are very honored that you find the time to pass by the Philippines. I know that the crisis in your country has occupied all of your attention and all of your time. It is a great pleasure to meet with you to discuss some of the issues that are common to our two countries and hopefully find ways for both of us together. Once again, I wish it were under better circumstances but I’m happy that you are able to come and visit with us, Mr. President,” dagdag na pahayag nito.
Matatandaang sa isang phone call sa Ukrainian leader noong 2023, nagpahayag ng pakikiisa si Pangulong Marcos sa “search for peace” ni Zelenskyy, sabay sabing ang Pilipinas ay “watching with admiration, the bravery and nationalism that has been displaced by the Ukrainians” sa gitna ng pag-atake ng Russia.
Nagpahayag din ang Pilipinas ng pagsuporta nito sa soberanya ng Ukraine, kalayaan at territorial integrity, sa pagboto sa UN General Assembly para batikusin ang pananakop ng Russia, na nagpaghahayag ng “explicit condemnation” laban sa “use of force against the political independence and territorial integrity of any state.”
“Russia’s war in Ukraine has resulted in a terrible human cost, inflicting huge suffering on millions,” ayon sa United Nations. Kris Jose