Home HOME BANNER STORY Walang nasaktang Pinoy sa M-5.9 Japan quake – DMW

Walang nasaktang Pinoy sa M-5.9 Japan quake – DMW

MANILA, Philippines- Inihayag ng Department of Migrant Workers (DMW), base sa inisyal na datos mula sa migrant workers office (MWO) nito sa Japan, na walang Pilipinong naiulat na sugatan kasunod ng lindol na yumanig Noto Peninsula nitong Lunes ng umaga.

“MWO-Osaka is working closely with Filipino communities and Japanese authorities to ascertain the safety and status of our overseas Filipino workers (OFWs) in the region,” pahayag ng DMW.

“MWO-Osaka reports that there are no Filipinos injured in an earthquake that rocked the Noto Peninsula earlier this morning,” dagdag nito.

Sinabi ng Japan Meteorological Agency na natukoy ang magnitude 5.9 na lindol na tumama bandang alas-5:40 ng umaga (Manila time) sa Noto Peninsula sa hilagang parte ng Ishikawa Prefecture sa Honshu, Japan. RNT/SA