Home HOME BANNER STORY Luzon Grid isasailalim sa yellow alert ngayong Lunes

Luzon Grid isasailalim sa yellow alert ngayong Lunes

MANILA, Philippines- Isasailalim ang Luzon Grid sa yellow alert ngayong Lunes ng hapon at gabi dahil sa forced outage at derated capacity ng ilang planta, ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Sa abiso, sinabi ng NGCP na ipatutupad ang yellow alert mula alas-2 hanggang alas-4 ng hapon at mula alas- 7 hanggang alas-10 ng gabi.

Ito ay dahil sa “deration” ng Masinloc 1, Calaca 2, at Ilijan A plants; unavailability ng Angat Main dahil sa low water elevation; at forced outage ng QPPL, Pagbilao 2, at Sual 1 plants, base sa kompanya.

Naglalabas ng yellow alert kapag kulang ang operating margin upang tugunan ang contingency requirement ng transmission grid, batay sa NGCP. RNT/SA