Home METRO Misis dedo kay mister; bangkay itinago sa abandonadong bahay

Misis dedo kay mister; bangkay itinago sa abandonadong bahay

CAUAYAN CITY, Isabela- Nadiskubre ang bangkay ng isang 52-anyos na ginang na pinaslang umano ng asawa nito, sa isang abandonadong bahay sa Barangay Villaflor, San Isidro, Isabela nitong Biyernes.

Inihayag ni Police Major Grandeur Tangonan, San Isidro chief of police, na natagpuan ng mga residente ang naaagnas na bangkay matapos umalingasaw ang amoy nito mula sa nasabing bahay.

Hinala ng mga imbestigador, pinaslang ang biktima gamit ang matigas na bagay tatlong araw bago madiskubre ang mga labi nito.

Boluntaryo namang sumuko ang asawa ng biktima sa mga pulis matapos itong matagpuan.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek na sinabing ang dahilan ng pagkitil niya sa kanyang asawa ay hindi pagkakaunawaan sa pamilya, at nahaharap sa parricide case.

Hindi pinangalanan ng mga awtoridad ang biktima at ang suspek. RNT/SA