Home HOME BANNER STORY Zelenskyy bumisita sa Pinas

Zelenskyy bumisita sa Pinas

MANILA, Philippines- Nasa Pilipinas si Ukrainian President Volodomyr Zelenskyy upang makipagpulong kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Malacañang.

Tumulak si Zelenskyy, dumating sa Manila nitong Linggo ng gabi, mula Singapore noong Sabado, sa inilarawan ng Reuters na “unscheduled” appearance sa Shangri-La Dialogue.

Dumalo rin si Marcos sa inter-governmental security forum kung saan iginiit niya ang soberanya ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Sa sidelines ng defense dialogue, nakipagkita si Zelenskyy sa iba pang world leaders kabilang sina Singapore Prime Minister Lawrence Wong, Singaporean President Tharman Shanmugaratnam, Timor-Leste’s President José Ramos-Horta, at Indonesia’s President-Elect Prabowo Subianto. Nakipagpulong din siya kay United States Defense Secretary Lloyd Austin at ilang kinatawan mula sa US Congress. 

Inimbitahan sila ni Zelenskyy na makibahagi sa Global Peace Summit. 

Sa isang phone call kay Zelenskyy noong 2023, inihayag ni Marcos ang pakikiisa sa “search for peace” ng Ukrainian President, at sinabing ang Pilipinas ay “watching with admiration, the bravery and nationalism that has been displaced by the Ukrainians” sa gitna ng pag-atake ng Russia.

Inihayag din ng Pilipinas ang suporta para sa soberanya, kalayaan, at territorial integrity ng Ukraine, kung saan bumoto ang una sa UN General Assembly upang kondenahin ang pananakop ng Russia, at iginiit ang “explicit condemnation” laban sa “use of force against the political independence and territorial integrity of any state.”

Gayundin, inilahad ni Zelenskyy ang intensyong palalimin ng kooperasyon sa Pilipinas partikular sa international platforms. RNT/SA