Home METRO Pagbubukas sa bagong CALAX segment, pinangunahan ni PBBM

Pagbubukas sa bagong CALAX segment, pinangunahan ni PBBM

79
0

MANILA, Philippines – Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagbubukas ng bagong segment ng Cavite-Laguna Expressway (CALAX), tinukoy ang nabawasan na oras ng paglalakbay at pinahusay na connectivity sa South Luzon.

Ang 7.88-kilometer Subsection 3, pinalawig ang expressway sa Governor’s Drive Interchange sa General Trias, Cavite, nabawasang oras ng paglalakbay sa pagitan ng Biñan, Laguna, at General Trias sa 26 minuto mula sa isang oras.

“This is 10 years in the making… ang nagiging problema natin sa lahat ng mga construction ng mga kalsada, ‘yung right of way,” ayon kay Pangulong Marcos.

“Kaya’t mabuti naman at ngayon nabuksan na natin,” aniya pa rin.

Inanunsyo ng Pangulo na ang newly opened segment ay magiging toll-free sa loob ng isang buwan.

“I can announce na mabuksan ninyo starting 12 midnight tonight… and for one month wala na muna toll,” ang sinabi ng Chief Executive.

Hinikayat ng Pangulo ang mga motorista na samantalahin ang bagong imprastraktura.

“So ‘yung ating mga kababayan gamitin ninyo… maramdaman ninyo ang malaking ginhawa,” ang tinuran ng Pangulo.

Inaasahan naman na makapag-aaccommodate ang Subsection 3 ng 6,000 karagdagang motorista, makapagbibigay ng alternatibong ruta na maiiwasan ang masikip na lokal na lansangan sa Cavite.

Sa paggamit ng bagong segment, ang operational length ng CALAX ay umaabot na sa 26 kilometro mula sa Mamplasan sa Biñan, Laguna.

Sa oras na makompleto, ang 44.6-kilometer expressway ay mag-uugnay sa Manila-Cavite Expressway (CAVITEX) sa South Luzon Expressway (SLEX), bumubuo ng mahalagang transport corridor sa rehiyon.

Pinasalamatan naman ng Pangulo ang private sector partners, kabilang na ang Metro Pacific group, para sa pagsuporta sa proyekto.

“At I’m sure mararamdaman nga natin ang magiging mas mabilis at mas ginhawa na pagbiyahe,” anito. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here