MANILA, Philippines- Nakita ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) na 32% ang itinaas ng gross gaming revenues (GGR) nito para sa second quarter.
Sinabi ng PAGCOR na ito’y dahil sa electronic games (e-games) sector kung saan lumaki ang “top line” nito ng mahigit anim na beses sa isang bagong record high.
Sinabi ng PAGCOR na tinamaan ang GGR ng P89.23 bilyon, 32.32% mas mataas kaysa sa P67.43 bilyon sa kaparehong quarter noong 2023, at 9.21% mas mataas kumpara sa P81.70-billion industry sa first quarter.
Iniugnay ng ahensya ang paglago sa e-games sector kung saan nagbigay ng P30.85 bilyon, sumasalamin sa 525% na pagtaas mula sa P4.93 bilyon sa nakalipas na taon.
“This sector continues to surpass targets and should help cover up for any shortfall resulting from the President’s order banning offshore gaming operations or POGOs (Philippine offshore gaming operators) by the end of the year,” ayon kay PAGCOR chairman at chief executive officer Alejandro Tengco.
Matatandaang inanunsyo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang pangatlong State of the Nation Address (SONA), ang pagbabawa na sa mga POGO at ipinag-utos sa PAGCOR na ihinto na ang lahat ng operasyon sa pagtatapos ng taon.
Makikita sa isang cost-benefit analysis ng Department of Finance (DOF) na ang POGO industry ay mayroong net cost na P99.52 bilyon sa Pilipinas, katumbas ng 0.41% sa ekonomiya ng bansa hanggang noong 2021.
Nangyari ito matapos na makita ng POGOs ang “total cost” na P265.74 bilyon sa ekonomiya, kung saan P84.87 bilyon ay direct economic costs — P39.94 bilyon ang tinatayang pagbaba sa foreign investments dahil sa krimen, P28.62-bilyon ang bumaba sa inbound tourism revenues, P15.42 bilyon ang ibinaba sa foreign investments dahil sa corruption perception, at P0.5 bilyon na additional costs para sa law enforcement and immigration.
Pagdating sa usapin ng kabuuang benepisyo, nakapag-ambag ang POGOs ng P166.49 bilyon. Kabilang dito ang P40.65 bilyong direct benefits — P27.80 bilyon sa kita mula sa housing space rentals, P5.26 bilyon mula sa withholding taxes, P4.44 bilyon mula sa gaming taxes, P3.15 bilyon sa revenues sa PAGCOR.
Ang licensed casinos ay nakapagdala naman ng P49.48 bilyon sa second quarter, bumaba mula sa P51.70 bilyon sa comparable period ng 2023, at 10.41% mas mababa kaysa sa P4.69 bilyon sa first quarter.
Iniulat naman ng PAGCOR-operated casinos sa ilalim ng Casino Filipino brand ang P4.20 bilyon sa revenues, sumasalamin sa 14.80% na pagbaba mula sa P4.93 bilyon sa nakalipas na taon at 10.41% mas mababa kaysa sa P4.69 bilyon sa nakalipas na quarter.
“Bingo operations accounted for P4.69 billion of the GGR, down from P5.85 billion the previous year, and P5.85 billion in the first quarter,” ayon sa PAGCOR.
Taong 2023 nang ianunsyo ng PAGCOR ang plano nito na isapribado ang self-operated casino at sa halip ay ituon ang pansin sa “purely regulatory role.” Inaasahan nito na makapag-aambag ng P60 bilyon hanggang P80 bilyon mula sa naturang plano.
Sa ilalim ng mandato nito, kailangang i-regulate ng PAGCOR na ang gaming industry, lumikha ng mas maraming revenues para sa socio-civic at national development programs ng Philippine government at tumulong na i-promote ang tourism industry.
Target din nito na mag-divest mula sa casino operations sa susunod na limang taon, kung saan inaasahan na may isang integrated resort na magbubukas kada taon. Kris Jose