Home NATIONWIDE PAGCOR: Reopening ng mga POGO sa bansa, walang katotohanan

PAGCOR: Reopening ng mga POGO sa bansa, walang katotohanan

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa publiko hinggil sa mga sulat at text messages na kumakalat hinggil sa umano’y muling pagbubukas ng mga Philippine Offshore Gaming Operations o POGOs.

Ayon kay PAGCOR Chairman and CEO Alejandro H. Tengco, may mga tao na nagsasamantala ng mga investors sa pamamagitan ng pagpapabayad ng malaking halaga kapalit umano ng limitadong slots para sa POGO licenses, at sinasabing direkta itong mag-ooperate sa ilalim ng PAGCOR.

Pagbibigay-diin ni Tengco, wala aniyang planong ibalik ang operasyon ng POGO sa lalong madaling panahon at wala ring katotohanan at nananatiling ban ang POGO sa bansa.

Paalala pa ng PAGCOR boss na ireport agad sa kanilang tanggapan o sa pulis sakaling makatanggap ang sinuman na nagsasabing sulat o text message dahil ito aniya ay mga scammers na kailangan nang maipatigil. Dave Baluyot