Home METRO Writ of Execution isinilbi ng sheriff vs “iligal HOA” sa Multi

Writ of Execution isinilbi ng sheriff vs “iligal HOA” sa Multi

Nagkaroon ng tensyon ang paghahain ng Writ of Execution ng Sheriff sa pagpapalit ng liderato sa Multinational Village Homeowners 11:55 am ng February 3, 2025.

Nauwi sa sigawan at halos pisikalan ang komprontasyon sa pagitan ng umanoy iligal na mga opisyal at mga nakatakip ang mga mukhang gwardya sa homeowners office laban sa grupo ng anilay legal na Pangulo ng homeowners na isang Mr. Templonuevo .

Naglagay pa ng barikada ang mga security guard sa ilalim ng isang umano’y nagngangalang Mr Gacutan pero abogadong hindi nagbigay ng pangslan ang nagmamando sa mga gwardya na tumututol na makapasok ang mga miyembro ng homeowners association sa loob ng club house.

Dahil Dito, magsasagawa ng 15 days vigil ang kampo ni Templonuevo sa harapan ng club house ng multinational village hanggat hindi nagkapag comply ang kampo ni Gacutan para sa inihaing Writ of Execution mula sa Human Settlement adjudication commission.

Sa dakong huli, pinayagan lamang na pumasok sa loob ng tanggapan ang Sheriff at ang abugado ng kampo ni Templonuevo para iserve ang naturang Writ of Execution.

Tiniyak naman ng kampo ni Templonuevo na hindi magkakaroon ng gulo mula sa kanilang grupo dahil mapayapa silang magsagawa ng vigil kasama ang mga madre.

Nag -ugat ang kaliwat kanang reklamo sa multinational village matapos putulan ng supply ng tubig ang mga miyembro ng homeowners association na kontra sa pamumuno ni Gacutan kasama ang mga madre. Dave Baluyot