MANILA, Philippines – Libo-libong mga pasahero ang inaasahang darating sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ngayong Lunes, Disyembre 22 habang papalapit ang araw ng Pasko.
Ayon sa pamunuan ng PITX, mayroong 201,000 pasahero ang dumating sa terminal nitong Linggo.
Ang bugso ng mga pasahero sa bus terminal ay nagsimula noong Biyernes, Disyembre 19 sa 186,000 kataong nagtungo sa terminal.
Hanggang alas-8 naman ng umaga nitong Lunes ay nasa 43,000 na ang nasa PITX.
Nauna nang sinabi ni PITX Spokesperson Jason Salvador na inaasahang mas magiging mataas pa ang volume ng mga pasahero pagsapit ng Disyembre 23 na peak day para sa holiday travel.
Mas mataas din aniya ang passenger count ngayong taon dahil sa pinalawak na operasyon.
Nagpaalala naman ang mga awtoridad sa publiko na huwag nang magdala ng mga ipinagbabawal na gamit sa terminal.
Batay sa rekord, nakumpiska ng security personnel sa PITX ang nasa 300 ipinagbabawal na gamit gaya ng butane, cutter blades, knives, lighters, at gunting. RNT/JGC