Home ENTERTAINMENT Pagdalaw ni Alden sa house blessing ni Kathryn, top trending!

Pagdalaw ni Alden sa house blessing ni Kathryn, top trending!

Manila, Philippines – Top trending ang ginawang pagdalaw ni Alden Richards sa blessing ng bahay ni Kathryn Bernrdo.

Naganap ito gabi nitong April 11, Huwebes.

Isa si Alden sa mga celebrities na nakisaya sa okasyon alongside other stars like Dimples Romana, Gelli de Belen at Kakai Bautista.

Ang naglipanang mga larawan at video taken at the house blessing ang dahilan ng pagiging top trending nito sa social media.

Matatandaang nagulat din si Kathryn sa biglaang pagdalo sa post-28th birthday celebration ng Kapamilya actress.

May dalang gift in a paper bag at isang bungkos ng Ecuadorian roses ang Kapuso actor.

Supposedly, ang pagtitipong ‘yon ay nakalaan para sa mga ‘di nakadalo sa pagdiriwang ng kaarawan ni Kathryn aboard a yacht in Palawan.

Kathryn was seemingly surprised to see Alden at her post-birthday bash dahil preaent naman ito sa Palawan.

With Alden’s presence at Kathryn’s house blessing, lalong umiingay ang panawagan ng mga netizen na ituloy na ang sequel ng kanilang Hello Love Goodbye.

‘Yun nga lang, Kathryn’s and Alden’s respective schedule have to be taken into consideration.

Inaasahan na kasing magiging busy ang aktres sa filming ng Elena 1944.

Sa kaso naman ni Alden, magiging puspusan naman ang kanyang tapong sa aabangang teleserye sa GMA, ang Pulang Araw.

May mga nagsasabing nagkakapareho raw ang pelikula ni Kathryn at teleserye ni Alden.

Pareho kasing tumatalakay ito sa ating kasaysayan. Ronnie Carrasco III