MANILA, Philippines- Tinukoy ang 13 lugar na nasa “danger zone” dahil sa forecast heat index nitong Lunes, batay sa datos ng PAGASA.
Ayon sa two-day forecast ng PAGASA, makararanas ang Dagupan City sa Pangasinan ng pinakamataas na heat index ngayong araw sa 45 degrees Celsius.
Narito ang mga lugar na nasa danger zone:
NAIA Pasay City, Metro Manila: 42ºC
Laoag City, Ilocos Norte: 42ºC
Dagupan City, Pangasinan: 45ºC
Aparri, Cagayan: 43ºC
Tuguegarao City, Cagayan: 42ºC
ISU Echague, Isabela: 42ºC
Clark Airport (DMIA), Pampanga: 42ºC
Puerto Princesa City, Palawan: 44ºC
Aborlan, Palawan: 42ºC
Virac (Synop), Catanduanes: 42ºC
Masbate City, Masbate: 42ºC
Zamboanga City, Zamboanga del Sur: 42ºC
Cotabato City, Maguindanao: 42ºC
Itinuturing ng PAGASA ang mga lugar na may heat index mula 42 hanggang 51 degrees Celsius na nasa ilalim ng “danger”.
Pinayuhan naman ng PAGASA ang publiko na iwasan ang heat-related illnesses sa pamamagitan ng mga sumusunod:
Iwasang lumabas
Uminom ng maraming tubig
Iwasan ang pag-inom ng tsaa, soda, at alak
Magdala ng payong, magsuot ng sumbrero at mga kasuotang may manggas tuwing lalabas
Itakda ang heavy-duty activities sa pagsisimula o pagtatapos ng araw kapag hindi gaanong mainit ang panahon. RNT/SA