Home NATIONWIDE Pagdating ni Padilla sa DOJ, dinumog ng mga supporter

Pagdating ni Padilla sa DOJ, dinumog ng mga supporter

1
0

MANILA, Philippines – Dinumog ng mga supporters ang pagdating ni Senator Robin Padilla sa tanggapan ng Department of Justice (DOJ) ngayong hapon, Setyembre 25.

Bandang alas-2:20 ng hapon ng dumating sa DOJ ang senador kasama ang kanyang mga legal counsel.

Ngayong araw kasi itinakda ang kauna-unahang Preliminary Investigation (PI) sa kasong obstruction of Justice na isinampa laban sa senador.

May kaugnayan ito sa umano’y pagpapatakas kay Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa premises ng Senado nang mangyari ang shooting incident sa pagitan ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation at mga tauhan ng Office of the Sargeant at Arms ng Senado noong May 13, 2026.

“Andito ako para sumunod tayo sa batas,” pahayag ng senador nang tanungin kung kamusta na siya.

Nagpasalamat din si Padilla sa kanyang mga supporters na karamihan ay kapwa niya mga Muslim.

Samantala, dumating din sa DOJ si Atty. Jimmy Bondoc para katawanin ang isa pang respondent sa kaso na umano’y ‘mistaken identity’ dahil wala naman siya sa Senado nang mangyari ang pagtakas ni Sen. Dela Rosa.

Hindi pinangalanan ni Bondoc ang kanyang kliyente ngunit maalala na bukod kay Padilla ay kabilang sa subpoena sina Lt. Col. Jean Alla Yasin Robles, retired Chief of Staff Virgilio Palaganas Cariño Jr, at apat pang indibidwal. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here