Home TOP STORIES Pagdedma sa medical request ni Discaya kinastigo

Pagdedma sa medical request ni Discaya kinastigo

137
0

Dedma at wala umanong pagpapahalaga sa karapatang-pangtao sina Senate President Vicente “Tito” Sotto at blue ribbon committee chair, Senate President Pro-tempore Panfilo ‘Ping’ Lacson.

Ito ang pagkastigo ng kampo ng kontrobersiyal na contractor na Pacifico “Curlee”Discaya IlĀ  kasunod ng hiling ni Discaya kay Sotto sa pamamagitan ng opisina ni Lacson na payagan siyang sumailalim sa medical check-up.

Sa kanyang liham kay Sotto na may petsangĀ  28 February, nagsusumamo si Discaya na payagan siyang magkaroon ng Medical Executive check-up, kabilang ang complete blood chemistry test (CBC), chest x-ray at heart check-up.

Sinabi ni Discaya sa kanyang sulat na nakararanas siya ng frozen shoulders at hirap na paghinga, lalo kapag gabi. Di lamang aniya ito nagdudulot ng sakit sa kanya kundi nagbibigay pa ng takot at matinding pagkapuyat.

“I fear that my condition may worsen without proper medical attention,” ang sabi ng contractor.

Nangako si Discaya na kung siya ay papayagan ng Senado, maaari naman itong gawin sa pinakamalapit na goverment hospital, o kaya”y sa pribadong St. Lukes sa BGC”.

“My only wish is to know the true state of my health, and to address any serious medical concerns while it is still possible,” paliwanag ni Discaya sa kanyang liham.

“This appeal is made not for comfort, but for survival and dignity as a human being. I place my trust in your sense of justice and compassion,” punto ni Discaya.

Gayunman, wala pang tugon ang opisina ni Sotto o ni Lacson, kahit may nauna nang liham ang kanyang mga abogado na siya ay payagang sumailalim sa executive medical check-up.

Halos 6 buwan nang nakapiit sa detention cell ng Senado si Curlee matapos i-contempt sa pagdinig ng Senate blue ribbon noong Setyembre ng nakaraang taon. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here