MANILA, Philippines – Nagpalabas ng temporary restraining order ang Supreme Court pabor kay Francis Leo Antonio Marcos na kuwestyon sa resolusyon ng Commission on Elections
(COMELEC) na nagdeklara sa kanya na isang nuisance candidate.
“The SC issued a temporary restraining order (TRO) preventing the COMELEC from declaring Marcos a nuisance candidate,” ayon kay SC Spokesperson Camille Ting.
Si Leo Marcos o Norman Mangusin ay isang internet personality na nagsasabing anak siya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Nagdesisyon ang Comelec na bawiin ang certificate of candidacy ni Marcos sa pagtakbo sa senatorial race dahil hindi naman umano ito seryoso sa pagtakbo sa halalan bagaman pinayan siya ng Comelec noong 2022 elections na tumakbo bilang senador kung saan nakakuha si Marcos ng 4,477,024 votes.
Inatasan ng SC ang Comelec na maghain ng komento sa petisyun ni Marcos sa loob ng limang araw. Teresa Tavares