Pinangunahan ni Senator Alan Peter Cayetano ang pagdinig sa Senado kasama ang Commission on Higher Education (CHED) para talakayin ang mga pangunahing programa at panukalang batas ng ahensya. CESAR MORALES
Pinangunahan ni Senator Alan Peter Cayetano ang pagdinig sa Senado kasama ang Commission on Higher Education (CHED) para talakayin ang mga pangunahing programa at panukalang batas ng ahensya.
Isa sa mga binigyang diin ang pagpapalakas ng mga scholarship at financial aid, na iginiit ni Cayetano ay kailangang gawing mas abot-kamay at mas tugma sa pangangailangan ng mga estudyante ang edukasyon.
Kabilang din sa mga itinutulak ang pagbuo ng Third Congressional Commission on Education (EDCOM 3) na layong palakasin ang koordinasyon ng iba’t ibang ahensya ng edukasyon at solusyunan ang matagal nang
suliranin ng sistema.
“One of the changes in EDCOM 3 is we are going to ask kung pwede na yung CHED Chairperson, Education Secretary, and TESDA Director will be part of EDCOM para parang parliamentary na. Instead of purely
legislative, we will interact efficiently already,” wika niya. RNT