Home NATIONWIDE Paggamit ng China ng flare sa PH aircraft sa WPS, kinondena ng...

Paggamit ng China ng flare sa PH aircraft sa WPS, kinondena ng US

MANILA, Philippines – Kinondena ng Estados Unidos ang China sa paggamit nito ng mapanganib na flare laban sa eroplano ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Matatandaan na nakapagtala na ng dalawang insidente ng pagpapakawala ng flare sa eroplano ng Pilipinas na nagpapatrolya malapit sa Scarborough Shoal at Zamora Reef.

“The US stands firmly with the Philippines in condemning the PRC (People’s Republic of China) for launching flares at (a Philippine) aircraft operating legally near Scarborough and Subi Reefs (on) Aug 19 & 22,” sinabi ni US Ambassador MaryKay Carlson.

“With the (Philippines), we call on the PRC to cease provocative and dangerous actions that undermine a free and open Indo-Pacific,” dagdag niya.

Nitong Sabado, Agosto 24, ay kinumpirma ng National Task Force for the West Philippine Sea na naglunsad ang China ng flare mula sa militarized reclaimed island nito sa Zamora Reef habang nagsasagawa ng maritime domain awareness (MDA) flight ang Cessna 208B Grand Caravan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Ang pagpapatrolyang isinagawa ay lehitimo at pasok sa exclusive economic zones at territorial seas ng maritime features na bumubuo sa Kalayaan Island Group.

Ayon sa task force, hinarass ng People’s Liberation Army Air Force (PLAAF) ang eroplano ng Pilipinas sa kaparehong MDA flight malapit sa Scarborough Shoal noong Agosto 19.

Nagsagawa umano ng “irresponsible and dangerous maneuvers” ang PLAAF Chinese fighter Jet 63270 at nagpakawala ng “multiple times at a dangerously close distance of approximately 15 meters” sa BFAR plane. RNT/JGC