Home NATIONWIDE State of calamity idineklara sa Iloilo sa dengue

State of calamity idineklara sa Iloilo sa dengue

MANILA, Philippines – Idineklara na ang state of calamity sa Iloilo dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue.

Sa sesyon ng 14th Sangguniang Panlalawigan, inaprubahan ang resolusyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management office o PDRRMO na isailalim ang lalawigan sa state of calamity.

Napag-alaman sa datos ng Iloilo Provincial Government na 10 na ang namatay dahil sa dengue.

Naitala naman ang 4,595 na kaso nito mula Enero 1, 2024 hanggang Agosto 10, 2024. RNT/JGC