MANILA, Philippines – Sinubukan umano ng isang truck driver na may dalang mga baboy, na lampasan ang African Swine Fever checkpoint sa Mindanao Avenue, Quezon City.
Sa ulat, ang trak ay may kargang siyam na baboy mula San Juan, Batangas at dadalhin sana patungong Caloocan City.
“Hinabol po doon tapos pinabalik nalang natin kasama ng ating kapulisan. Doon po namin natrace na wala po siyang lisensya,” sinabi ni Rodel Luces ng Quezon City Traffic Transportation Management Department.
“Wala po akong rason na takbuhan sila kasi kumpleto naman po ako ng papel. Lahat naman po ng checkpoint na nadaanan namin, kahit pulis po, hinihintuan ko,” depensa naman ng truck driver.
Sa pagsisiyasat, ilan sa mga baboy ay may rashes sa kanilang katawan na posibleng sintomas ng AS.
Ipinadala na sa Bureau of Animal Industry ang mga ito para isailalim sa ASF testing. RNT/JGC