Home HOME BANNER STORY Paggamit ng mother tongue sa pagtuturo, ihihinto na

Paggamit ng mother tongue sa pagtuturo, ihihinto na

187
0

MANILA, Philippines – TININTAHAN na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act 12027, o pagpapatigil sa paggamit ng ‘mother tongue’ bilang ‘ ‘medium’ sa pagtuturo mula Kindergarten hanggang Grade 3, pagbibigay sa opsyonal na pagpapatupad nito sa monolingual classes.

Ang monolingual class ay tumutukoy sa grupo ng mga mag-aaral na nagsasalita ng parehong katutubong wika at naka-enroll sa kaparehong grade level sa naibigay na school year.

Nakasaad sa RA12027 na ang ‘medium’ sa pagtuturo ay dapat na ibalik sa Filipino at English maliban na lamang kung ipinag-uutos ng batas, may regional language na magsisilbi bilang ‘auxiliary medium of instruction.’

Sa ulat, aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ng Senate Bill 2457 o ang panukalang huwag nang gamitin ang mother tongue bilang medium of instruction o lenggwahe sa pagtuturo mula kindergarten hanggang grade 3.

Unanimous ang naging botohan at pumabor ang dalawampu’t dalawang senador sa pagkakaapruba ng panukalang ito.

Sa ilalim ng panukalang ito ni Senate Committee on Basic Education chairman Senador Sherwin Gatchalian, iminumungkahi na maliban sa mga monolingual classes mula Kindergarten hanggang Grade 3, ang pagtuturo ng basic education ay magpapatuloy gamit ang Filipino at, maliban na lamang kung itakda ng ibang batas, ang Ingles.

Suhestyon ni Gatchalian ang paggamit ng mga lokal na wika bilang auxiliary media of instruction o pantulong na wika sa pagtuturo, na ayon sa mambabatas ay mas flexible na pamamaraan na nakasaad mismo sa Saligang Batas. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here