Home NATIONWIDE Paggiit ng Marcos admin na nasa panganib buhay ni PBBM binatikos ni...

Paggiit ng Marcos admin na nasa panganib buhay ni PBBM binatikos ni VP Sara

Larawan ni Danny Querubin

MANILA, Philippines- Binatikos ni Vice President Sara Duterte nitong Martes ang Marcos administration sa umano’y paggiit na nasa panganib ang buhay ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kasunod ng kontrobersyal niyang kill remark.

Sinabi ni Duterte na “conditional act of revenge does not constitute to an active threat.”

“The Marcos administration’s insistence that the President’s life is under active threat is ominous,” aniya.

“I raise this caution as the President and his sycophants aggressively sell a narrative based entirely on my statement, which is taken out of its logical context,” dagdag pa.

Inilahad ng Bise Presidente ang kill remark sa online media conference sa Kamara, kung saan idinitine si Office of the Vice President (OVP) chief of staff Undersecretary Zuleika Lopez matapos ma-cite in contempt.

Kalaunan ay nilinaw ni Duterte na ang kanyang “assassination” statement ay hindi banta, at iginiit na binigyang-diin laamang niya ang umano’y banta sa kanyang seguridad.

Inihayag din niya nitong Lunes na ang parehong pahayag ay “maliciously taken out of logical context.”

Bilang tugon, nangako si Marcos na haharangin ang “criminal attempts” laban sa kanyang buhay. RNT/SA