Home NATIONWIDE Paghahanap ng bagong Ombudsman sisimulan ng JBC

Paghahanap ng bagong Ombudsman sisimulan ng JBC

MANILA, Philippines- Binuksan na ng Judicial and Bar Council (JBC) ang aplikasyon para sa mga nais na maging susunod na Ombudsman ng bansa.

Si Ombudsman Samuel Martires ay nakatakdang magretiro sa July 27, 2025.

Ayon sa JBC, ang online applications at rekomendasyon ay maaaring isumite sa JBC Online Registration and Application System (JBC O.R.A.S.) sa pamamagitan ng judicial platform na http://www.portal.judiciary.gov.ph.

Mayroon lamang hanggang July 4 para isumite ang mga application form.

Nakasaad sa batas na kabilang sa requirement para maging Ombudsman, Deputy at Special Prosecutor ay pagiging natural born citizen ng Pilipinas, hindi bababa sa 40 taong gulang, tapat at independent, miyembro ng Philippine Bar at hindi naging kandidato sa eleksyon.

Ang mapipiling Ombudsman ay dapat may 10 taong karanasan sa law practice o kaya ay naging hukom.

Si Martires na dating Supreme Court Associate Justice ay itinalaga bilang Ombudsman noong July 26, 2018 ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Teresa Tavares