
NANANATILING aktibo ang Philippine Health Insurance Corporation o PHILHEALTH sa pagpapatupad ng mga bagong programa upang mapabuti ang serbisyong pangkalusugan para sa mga Filipino. Ang mga hakbang na ito ay bahagi ng kanilang layunin na mapalawak pa ang saklaw ng benepisyong medikal ng bawat miyembro.
Kabilang sa mga programa at inisyatibang tinututukan ng PHILHEALTH ang:
1. Primary Care Benefit Package (Konsulta Package)
Isa sa mga pangunahing programa na muling pinalawak ay ang Konsultasyong Sulit at Tama o Konsulta Package. Sa ilalim ng programang ito, may access ang mga miyembro at kanilang dependents sa libreng konsultasyon, laboratory tests, at gamot sa mga accredited health care providers. Ang layuning ng PhilHealth maagapan ang mga karaniwang sakit bago pa ito lumala at mangailangan ng mas mahal na gamutan.
2. Z Benefits at Catastrophic Case Coverage
Pinalawak din ng PhilHealth ang saklaw ng Z Benefits, na nakatuon sa mga matinding sakit gaya ng cancer, stroke, at heart diseases. Sa pamamagitan nito, mas maraming pasyente ang nabibigyan ng oportunidad na makapagpagamot nang hindi binibigla ng gastusing medikal.
3. Mental Health Package
Isa ring makabagong hakbang ng PhilHealth ang pagdagdag ng mga benepisyo para sa mental health. Kabilang dito ang konsultasyon sa psychiatrist, psychological assessments, at ilang psychiatric medications. Isang hakbang ito upang ma-normalisa at mabigyang-halaga ang kalusugang pangkaisipan ng mga Pilipino.
4. Expanded Coverage para sa OFWs at Indigents
Inilunsad din ng PhilHealth ang mga reporma para mas mapadali ang proseso ng enrollment at benepisyo para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at mga indigent na kababayan.
Kasama rito ang pag-digitalize ng records at mas mabilis na claim processing sa mga ospital.
Ang mga bagong programang inilunsad ng PHILHEALTH ay patunay ng pagsusumikap nitong matugunan ang pangangailangang medikal ng sambayanang Filipino. Kaya’t ugaliin ang regular na pagpapasuri bilang bahagi ng ating responsibilidad sa sarili, sa pamilya, at sa komunidad.
Ang kalusugan ay hindi lamang para sa kasalukuyan kundi para sa kinabukasan.
Sa pagpapahalaga sa ating katawan, binibigyan natin ang sarili ng pagkakataong mas ma- enjoy ang buhay nang malusog at masaya.