Home NATIONWIDE Paghahanda para sa 2025 elections ‘di masasagasaan ng impeachment ni VP Sara...

Paghahanda para sa 2025 elections ‘di masasagasaan ng impeachment ni VP Sara – Comelec

MANILA, Philippines- Hindi makaaapekto sa preparasyon ng Commission on Elections (Comelec) ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte para sa election 2025, sinabi ni Comelec Chairman George Garcia.

Ayon kay Garcia, tuloy-tuloy ang paghahanda dahil wala itong implikasyon sa pag-imprenta ng balota, sa pagsasanay ng mga guro at sa kabuuang paghahanda sa halalan.

Nitong Miyerkules, inendorso na ng Kamara sa Senado ang verified impeachment complaint laban kay Duterte mula sa 215 kongrerista na sumuporta dito.

Inaasahan namang sisimulan ang impeachment trial sa Senado sa Hunyo.

Nauna nang sinabi ni Duterte na wala sa isip niyang magbitiw sa pwesto matapos siyang i-impeach ng Kamara.

Ayon pa sa bise presidente, wala siyang plano para sa darating na eleksyon ngunit nagpahayag ng kanyang kagustuhang tumulong sa Comelec sa kanilang voter education program.

Sa ngayon, puspusan pa rin ang paghahanda ng komisyon para sa May 2025 elections kung saan nasa kabuuang 14,747,766 na ang official ballots na ang naimprenta. Jocelyn Tabangcura-Domenden