Home OPINION PAGHAHATI SA BAGONG SILANG PARA SA MGA BATANG CALOOCAN

PAGHAHATI SA BAGONG SILANG PARA SA MGA BATANG CALOOCAN

SA darating na Agosto 31, 2024 ay nakatakdang magsagawa ang Commission on Elections ng plebisito para sa ratipikasyon ng batas ukol sa dibisyon ng Bagong Silang sa Caloocan City “into six independent barangay”.

Inisyatibong congressional bill ni Rep. Oscar ‘Oca’ Malapitan at  Sen. Juan Victor ‘JV,’ Ejercito sa Senado, ang batas hinggil sa pagbiyak sa Bagong Silang o Brgy 176 sa anim na barangay na pinirmahan kamakailan ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr.

Ang Republic Act – 11993 ay nauukol sa Bagong Silang na mahahati sa anim na tatawaging Bgry 176-A, Brgy 176-B, Brgy 176-C, Brgy 176-D, Brgy 176-E at Brgy 176-F.

Para maging ganap na batas, kailangan itong isangguni sa mga residente sa pamamagitan ng kanilang boto – kung sang-ayon o hindi – sa isang prosesong tinawag na plebisito.

 Masidhing isinasakatuparan ang tunay na kahulugan ng kanyang “Una ang Tao” mantra, kaya ito ang marahil nag-engganyo kay Cong. Oca kaya isinulong ang bill para gawing sa anim na  barangay ang Bagong Silang.

Ang kwento sa Chokepoint ni Rep. Malapitan, ang Bagong Silang o Brgy 176 ang pinakamalaking barangay sa buong bansa na kailangang hati-hatiin para mas mapabilis ang pagbibigay ng tulong sa mga mamamayan.

Ginawang halimbawa ng butihing lingkod-bayan ang nakaraang pandemya na sa lawak ng Bagong Silang ay mabagal ang tulong na naitatawid dahil hirap ang Kapitan at mga kagawad na maisakatuparan ang kanilang trabaho dahil sa dami ng residente ng naturang barangay.

Kaya hiling ni Cong. Oca sa mga taga-Bagong Silang na bumoto ng ‘yes’ sa gagawing plebisito para maging  ganap na batas ang  kanyang isinulong na panukala sa Kongreso dahil ito’y para sa kabutihan  ng mga residente sa lugar o para sa kabutihan ng mga batang Kankaloo.

Pagkatapos ng plebisito, at tuluyan na itong maging batas, ay itatalaga ang pansamantalang lider ng anim na barangay. Dito ay mas matututukan at mapapadali ang pagbibigay ng ayuda sa mga residente, ayon kay Malapitan.