Home NATIONWIDE Pagiging Pinoy ni Guo nakasalalay sa nasyonalidad ng kanyang nanay – ex...

Pagiging Pinoy ni Guo nakasalalay sa nasyonalidad ng kanyang nanay – ex SC justice

MANILA, Philippines – Nakasalalay sa nasyonalidad ng ina ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ang Filipino citizenship nito.

Naniniwala si retired Associate Justice Vicente Mendoza na sapat na ipinanganak si Alice Guo sa Pinay na ina para maituring na Filipino sa ialim ng 1987 Constitution.

Sinabi dati ni Guo na Senate hearings na ang kanyang ama ay isang tsino at ang ina ay isang Filipino.

Batay naman sa rekord ng Senate inquiry, lumalabas na walang birth records ang kanyang magulang sa Philippine Statistics Authority.

Iginiit ni Mendoza na mahalagang mapatunayan ang citizenship ni Guo dahil sa alalahanin sa pambansang seguridad.

Kailangan aniya malaman kung tunay na Pilipino ang nanay ng alkalde.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng Office of the Solicitor General kung may sapat na batayan para maghain ng quo warranto proceeding laban kay Guo.

Sinabi ng legal counsel ni Guonna si Stephen David, sasagutin nila ang lahat ng katanungan sa OSG investigation.

Maglalabas aniya sila ng mga larawan ng ina ng alkalde para patunayan na isa itong Filipino.

Ang problema umano ay hindi pa nakikilala no Guo ang kanyang nanay kaya nanawagan si David sa nanay na lumantad na upang sumailalim sa DNA test. Teresa Tavares