MANILA, Philippines – Hinimok ni Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel ang Commission on Higher Education (CHEd) na sumunud na din sa kautusan ng Department of Education (DepEd) ukol sa pagbabalik ng dating academic calendar para sa mga higher education institutions (HEIs).
“The move to revert the academic calendar has been “long overdue” and should be considered as well in higher education. Ang tanong na lang po natin: Heatproof po ba ang college students? Sapat na ba na kapag lumala ang init, online class o distance learning na naman ang solusyon para sa college students?” pahayag ni Manuel.
“Kaya dapat i-review na rin ng CHEd ang patakaran ng maraming pamantasan na simulan ang academic year nila nang Agosto o Setyembre,” paliwanag pa nito.
Sinabi ni Manuel na ang CHEd ay tila nais laging sumusunod sa “international standards” sa pamamagitan ng ipinatupad nitopng calendar shift subalit hindi naman din nito nabago ang kalidad ng edukasyon.
“Hindi pa yan napapatunayan. Sumabay lang tayo para sundin ang standards ng mga dayuhang pamantasan at kumpanya, pero napag-iiwanan naman ang sarili nating mga estudyante,” giit ni Manuel.
Nanawagan si Manuel na mas mainam na iballik na lamang sa dati upang hindi maging dagdag hirap sa mga estudyante.
“We reiterate that this colonial calendar shift never should have happened. It is cosmetic, unscientific and unnecessary. I-revert na rin natin ang college na sa June magsimula”pagtatapos pa ni Manuel. Gail Mendoza