Home NATIONWIDE Polyeto ng NTF-ELCAC hindi pan-red-tag

Polyeto ng NTF-ELCAC hindi pan-red-tag

Manila, Philippines- Marring itinanggi ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) nitong Lunes, ang paratang ng Kabataan at ACT Teachers party-lists na namimigay ito ng mga polyetong nanre-red-tag ang grupo ng mga raliyista bilang mga terorista, sa isang seminar na ginawa sa Taytay Senior High School sa Rizal.

Sa pahayag ng NTF-ELCAC, kung susuriing mabuti ang nasabing mga polyetong ibinigay sa mga mag-aaral, makikitang wala itong nire-red-tag.

Ang polyeto anila ay nagbibigay-impormasyon sa mga estudyante ng mga ‘modus operandi’ ng mga recruiter ng New People’s Army na siya namang base sa makatotohanang ebidensyang nakalap ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

“We categorically refute the allegations made by the Kabataan and ACT Teachers party-lists regarding the distribution by the Armed Forces of the Philippines of supposedly “red-tagging” pamphlets which allegedly depicted rallyist as terrorists,” sabi pa ng NTF-ELCAC.

Dagdag pa nito, ang Army’s 80th Infantry Battalion ay nagsagawa at nagbigay ng seminar sa mga mag-aaral bilang bahagi ng kanilang ‘civic education program’ na naglalayong maitaas ang kaalaman ng lahat hinggil sa “national security threats” at maipromote ang pagiging makabayan ng mga kabataan.

Ang inisyatibang ito ay sa pakikipagtulungan ng Department of Education (DepEd-Rizal), ng NTF-ELCAC at ng Hands Off Our Children Movement, Inc., na ang hangarin ay maituro sa mga estudyante ang panganib na dala ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army, na binansagan nang mga terorista.

Dagdag pa ng NTF-ELCAC, ang seminar ay sumunod sa nga itinatakda ng Memorandum of Partnership ng DepEd-Rizal na magsagawa ng “information education campaigns” para sa mga senior high school student ng Rizal province. Layunin nito na mabigyan sila ng kaalaman sa mga palatandaan at galawan kung papaano mang-recruit ang CPP-NPA organizers.

Nakaangkla rin ang seminar sa  Rizal Provincial Resolution No. 03, series of 2023, na sumusuporta sa ‘community information programs’ upang proteksyunan ang mga sektor na kayang lokohin ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA.

Ang ginawang seminar, dagdag pa ng task force ay may pahintulot ng Division of Schools ng Rizal at ang pagdalo dito ay boluntaryo lamang ayon sa direktibang inilabas ng DepEd Rizal, salungat sa mga napabalitang sapilitan ang pagdalo ng mga estudyante rito.

“The AFP and NTF-ELCAC are committed to fostering an environment where the youth can engage in constructive discourse and critically thinking. We are committed to upholding the rights and freedoms of all citizens, ensuring that no individual is unjustly targeted or harassed. We reiterate the government’s commitment to transparency, truth, and the protection of civil liberties. We encourage all parties to engage in constructive dialogue and to verify facts before making public statements that tend to mislead or misinform the public about the truth,” paliwanag pa ng NTF-ELCAC. RNT