Manila, Philippines – Is it true that Enrique Gil will soon to be a father?
Ang siste, nagpa-ultrasound daw ang non-showbiz girlfriend ng aktor–si Andrea Brown.
Ayon umano sa nag-assist kay Andrea–positive daw ito.
It all started as a blind item, pero dedma lang ang reaksyon ng mga netizens.
Ang buong alam kasi nila, hindi pa nakaka-move on si Enrique kay Liza Soberano.
Pero sa Showbiz Update ni Ogie Diaz at ng kanyang grupo, may nagbuyo daw sa talent manager cum vlogger: “Paki-research nga kung totoong magiging tatay na si Enrique Gil!”
Ani Ogie, kung totoo man ay nasa hustong gulang na si Quen.
“Thirty four na si Quen, baka kasi ayaw muna nilang i-announce…
“Tinanong ko ‘yung source ko kung paano niya nalaman na si Quen… sinamahan daw niya na
magpa-ultrasound pero hindi bumaba ng sasakyan si Quen!”
‘Ika nga, wait and see muna ang showbiz.
Wala namang lihim sa showbiz ang puwedeng itago habambuhay.
At sa kaso ng pregnancy, ilang buwan lang ay magkakabistuhan na! Ronnie Carrasco III